MANILA – Muling pinaalalahanan ng Phil. National Police, Internal Affairs Service ang kanilang mga tauhan kaugnay sa pagsagawa ng police operations.Sa flag-raising ceremony kaninang umaga sa camp crame, binigyan diin ni IAS Deputy Inspector Gen. Chief Supt. Leo Angelo Leuterio ang pagbabawal ng pagsasagawa ng police operations ng walang approval ng kanilang unit commanders.Ayon kay Leuterio, kinakailangan munang maghain ng operational clearance ang team leader ng raiding team, bago ang police operation.Banta ni Leuterio, ang mga police personnel na mabibigong sumunod sa proseso ay posibleng masibak sa serbisyo.Kaugnay nito, sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na walang kinalaman pagkakapatay ni Mayor Rolando Espinosa ang pagpapaalala sa mga pulis sa pagsasagawa ng police operation.Nabatid na nangyaring police operation ng CIDG-region 8 Sa Baybay City sub-provincila Jail, napatay matapos umanong manlaban si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at inmate nitong si Raul Yap.
Tamang Proseso Sa Pagsasagawa Ng Police Operation, Muling Ipinaalala Ng Pnp-Internal Affairs Service Sa Mga Pulis
Facebook Comments