Isinagawa ang malawakang clearing operations sa Barangay Lucao matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Uwan na nagdulot ng matinding storm surge at nag-iwan ng tambak na basura at debris sa lugar.
Kabilang sa mga aktibidad ang pagtanggal ng mga natumbang puno, pag-aalis ng putik at basura, at pagbubukas ng mga kalsada upang mapabilis ang pagpasok ng tulong at pagbabalik normal ng daloy ng trapiko.
Kasabay nito, patuloy din ang pamamahagi ng relief goods at iba pang tulong sa mga apektadong residente habang isinasagawa ang paglilinis ng mga pampublikong pasilidad at paaralan upang matiyak ang kaligtasan at kalinisan sa komunidad.
Bukod sa naturang barangay, inihayag ng Pamahalaang Panglungsod ang paglilinis sa kalat na iniwan ng bagyo sa iba pang barangay, partikular sa mga island barangays na dinaluyan ng mga basura dahil sa storm surge. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









