Tambak na basura, hindi pa rin nahahakot sa ilang bahagi ng Maynila

Tambak na basura ang sumalubong sa ilang mga motorista at publiko sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila.

Nabatid na ilang araw nang hindi nahahakot ang mga basura kung saan ilang mga residente, motorista at vendors ang nagrereklamo dahil tila wala nang ginagawang hakbang ang lokal na pamahalaan sa nasabing problema.

Mula Rizal Avenue patungong Blumentritt Street hanggang makarating ng Aurora Boulevard ay problema ang mga tambak na basura.

Maging ang vendor na si Gener Avilar ay nababahala na rin sa hindi nakokolektang basura dahil siguradong msgdudulot ito ng malaking problema.

Umaasa naman ang mga residente ng Maynila na sa opisyal na pag-upo ni Mayor-elect Isko Moreno mamaya ay uunahin niya ang problema sa basura.

Facebook Comments