“Hindi pa rin natuto”
Tumambad pa rin kasi ang tone-toneladang basurang iniwan ng mga nagdiwang ng Pasko sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa lokal na pamahalaan, aabot sa 51 metric tons ang nakolektang basura sa Luneta matapos ang pagsalubong sa Pasko.
Karamihan sa mga basura ay gawa sa styrofoam at plastic.
Wala ring sumunod sa waste segregation o paghiwa-hiwalay ng iba’t ibang klase ng mga basura.
Hindi naman nagkulang ang pamunuan ng parke sa pagpapaalala sa publiko na panatilihing malinis ang Luneta.
Dahil dito, ikinadismaya ito ng EcoWaste Coalition at anila, iresponsable ang ginawang pagkakalat ng mga nag-Pasko sa Luneta.
Umaasa ang environmental group na hindi na ito mauulit sa pagsalubong sa Bagong Taon at sa Traslacion ng Itim na Nazareno.