TAMBAK NA BASURA SA BRGY. CARAEL, DAGUPAN CITY,INIREREKLAMO NG ILANG RESIDENTE

Matagal na umanong problema ng ilang mga residente sa Brgy. Carael Dagupan City ang tambak na basura sa isang bahagi ng Carael Sentro.
Ibinahagi ng isang concerned resident sa himpilan ng IFM News Dagupan na ilang buwan na umanong nakatambak ang mga basura at nadagdagan nang nadagdagan dahil wala umanong nangongolekta.
Ang ilang residente, hindi na mapigilang itapon ang kanilang mga basura rito dahil wala rin umanong kumukuha ng kanilang naiipong basura. Pinakaproblema ng mga ito ang masangsang na amoy na nakakaapekto na umano sa kalusugan lalo na ang mga malapit sa ginawang tila dump site.

Nasubukan na rin umanong isangguni ang naturang problema sa Barangay Council ngunit hanggang ngayon ay naghihintay ang mga ito ng kanilang isasagawang hakbang.
Samantala, ngayong araw, nakatakdang makipag ugnayan ang IFM News Team Dagupan sa mga opisyales ng barangay hinggil dito.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments