
Ga-bundok na basura ang tumambad sa Tripa de Gallina pumping station sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes, ilang lungsod ang nasasakupan ng pumping station.
Panawagan nito sa mga residente ng Pasay ay maging responsable sa pagtatapon ng basura dahil isa rin ito sa nagiging dahilan ng pagkasira ng ilang pumping station.
Bumabagal kasi ang daloy ng tubig kapag may bumabarang basura sa makina kaya hindi nakakapag-operate nang maayos.
Samantala, mayroon namang 71 na pumping station sa buong Metro Manila na gumagana o fully operational pero matinding dagok sa MMDA ang matinding problema sa basura bukod pa sa nararanasang malakas na pag-ulan sa bansa.
Facebook Comments









