Tambak na basurang iniwan sa Rizal Park, ikinadismaya

Manila, Philippines – Ikinadismaya ng EcoWaste Coalition ang sangkaterbang basurang nahakot sa Luneta Park at sa baywalk sa Maynila matapos ang pamamasyal ng mga pamilyang nagdiwang ng Pasko doon.

Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng grupo, nakakadismaya na marami ang nasayang at itinapon na mga pagkain.

Kasabay nito, umapela ang grupo na maghanda lamang ng sapat para sa okasyon.


Facebook Comments