TAMBALANG JAILENE | Kapamilya teen love team na JaiLene, buwag na

Manila, Philippines – Kinumpirma na ng kapamilya teen actor na si Jairus Aquino na wala na ang tambalan nila ni Sharlene San Pedro, na matagal ring sinubaybayan ng mga fans bilang ‘JaiLene’.

Sa isang interview sa aktor, sinabi nito na magkaiba na sila ng direksyong tinatahak ni Sharlene.

Matapos kasi ang pinakahuli nilang soap na ‘Langit Lupa’, hindi na raw ito na sundan pa.


Aminado naman ang aktor na marami na rin ang love team sa Kapamilya network, kaya posibleng ito ang dahilan kung bakit hindi na rin nabigyan pa ng proyekto ang JaiLene.

Ang tambalang JaiLene ay nabuo noong 2013 sa pinagbidahan nilang teen oriented show na ‘Luv U’.

Facebook Comments