Tambalang Lacson-Sotto, dadalhin ang gobyerno sa pinakaliblib na lugar sakaling manalo sa eleksyon

Plano ng tambalang Lacson-Sotto na ilalapit sa mga mahihirap na Pilipino ang gobyerno sakaling papalarin sila na mahalal bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa kung saan ang mga ahensya ng gobyerno mismo ang lumalapit sa mamamayan para maghatid ng kanilang serbisyo.

Ayon sa Lacson-Sotto tandem, ang ganitong uri ng programa na umano ang nais nilang ipatupad sa bawat sulok ng bansa kung saan lahat ng pangangailangan ng mga tao nariyan na lahat sa halip na ang tao pupunta sa gobyerno.

Paliwanag ng tambalang Lacson-Sotto, ang naturang programa kung saan ang mga empleyado ng ahensya tulad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) , Public Attorney’s Office (PAO), Philippine National Police (PNP) at PhilHealth ay pupunta sa mga barangay para maghatid ng kanilang serbisyo at hindi ang mga tao ang magtutungo sa naturang mga ahensiya.


Dagdag pa sa Lacson-Sotto tandem, malaki ang matitipid na pera, oras at pagod ng ating mga mamamayan sa ganitong uri ng programa dahil hindi na nila kakailanganin pang gumising nang maaga at gumastos sa pamasahe para makagawa ng transaksyon sa gobyerno.

Binigyaang diin pa ni Lacson na ang tunay na serbisyo publiko ang pupunta sa tao, hindi tao ang pupunta para maghanap ng paglilingkod ng kanilang tinatawag na public servants.

Facebook Comments