Tambalang Lacson-Sotto, itutuloy pa rin ang programang NTF-ELCAC sakaling manalo sa eleksyon

Ipagpatutuloy nina presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang programa na sinimulan ni Pangulong Duterte ang National Task Force to End Local Communist Conflict o NTF-ELCAC sakaling manalo sa eleksyon.

Ayon sa Lacson-Sotto tandem, maganda anila ang programa ng gobyerno na NTF-ELCAC basta’t huwag lamang haluan ng politika sa distribution na ipinamamahagi ng gobyerno sa mga New People’s Army (NPA) na sumusuko.

Paliwanag naman ni Lacson, ang kaniyang karanasan bilang dating military officer ay kailangan aniya talagang sundan ng mga development sakaling matiyak na ligtas na ang lugar at lagyan ng mga security forces ang area upang matiyak na ligtas ang mga ordinaryong mamamayan.


Binigyang diin pa ni Lacson na kapag pumasok na ang barangay development pagkatapos na maiayos o maclear ng militar ang mga NPA ang mangyayari ay makihalubilo ang mga makaluwang grupo sa mga ordinaryong mamayang Pilipino na dapat paghahandaan ng gobyerno.

Facebook Comments