Tambalang Lacson-Sotto para sa 2022 elections, tuloy na tuloy na

Kinumpirma na mismo ni Senator Panfilo Lacson na tuloy na ang tambalan nila ni Senate Presidente Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang mga kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo sa darating na halalan sa susunod na taon.

Una nang sinabi ni SP Sotto na tatakbo siyang bise presidente kung si Lacson ang kanyang makakatambal bilang pangulo.

Ayon kay Lacson, nabasa na ang kanilang talampakan sa Tour of Luzon ay itutuloy na nila ang paglusong.


Sa isang panayam, sinabi naman ni SP Sotto na magkakaroon sila ng official announcement ni Lacson sa August 4.

Para kay Sotto, ‘kakayahan’, ‘katapatan’ at ‘katapangan’ ang nakikitang namumukod tangi sa kanila ni Lacson kumpara sa iba pang posibleng kandidato.

Binanggit din niya ang pinagsamang track record nila sa government service, na 83 taon.

Samantala, sinabi naman ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano na pinag-iisipan niyang tumakbo bilang pangulo o bilang kongresista muli sa darating na eleksyon.

Si Cayetano ay nakatakdang magdesisyon sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments