Naniniwala sina presidential candidate at Senator Panfilo “Ping” Lacson at Vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III na ang mga mambabatas ang pinaka epektibo na magpatutupad ng batas.
Ang pahayag ay ginawa ni Lacson matapos na hindi naipatupad ng maayos ang National ID System na kanilang naisabatas.
Ayon kay Lacson, mahalaga na ang nagpapatupad ng batas ay mismo ang gumagawa nito, kaya’t kung papalarin sila ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto na manalo sa eleksyon hindi nila bibiguin ang mga Filipino na ipatupad ng maayos ang mga batas na kanilang ginawa.
Binigyang diin pa ng Tambalang Lacson-Sotto na marami na silang mga batas na nagawa pero hindi naipatutupad ng husto,kayat hinikayat nila ang publiko na ang may kwalipikado,malawak na karanasan at intergridad at hindi corrupt ang dapat nilang piliin na mamuno sa bansa.