Bahagyang umangat sa pre-election survey ng Radio Mindanao Network – Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE) si Vice President Leni Robredo.
Batay sa survey na isinagawa noong Marso 2 hanggang 5, nakakuna si Robredo ng 18% habang umangat din sa pwesto si Senator Francis Pangilinan na may 12%.
Nakapagtala si Robredo ng +4 point sa Balance Luzon, -8 sa National Capital Region, +4 sa Visayas at +4 sa Mindanao para sa kabuuang +1 point.
Nakakuha naman si Pangilinan ng +6 point sa Balance Luzon, -1 sa National Capital Region, +3 sa Visayas at +1 sa Mindanao para sa kabuuang +2 point.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni APCORE International Managing Director Dr. Racidon ‘Don’ Bernarte na inaasahan nilang magbabago pa ang nasabing mga numero dahil patuloy pa ang kampanya ng mga kandidato.
Inaasahan naman na maglalabas ng ika-apat at huling survey ang RMN-APCORE sa Abril.