Tambalang LizQuen, maghihiwalay na nga ba?

Manila, Philippines – Sinagot na ng magkatambal na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang usap-usapang mabubuwag na raw ang kanilang loveteam.

Usap-usapan kasi na may ginagawang magkahiwalay na proyekto ang dalawa.

Bagama’t hindi direktang sinagot ang intriga, say ng Lizquen, kailangan nilang mag-grow sa kani-kanilang career.


Sinasamantala lang din daw nila ang mga oportunidad na dumarating sa kanila.

Mensahe naman ni Enrique sa kanilang fans, maghintay lang para sa susunod nilang pagtatambal.

Facebook Comments