MANILA – Pormal nang inanusyo ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang kanilang pag-endorso kina Presidential Bet Sen. Grace Poe at Vice Presidential Aspirant Sen. Chiz Escudero.Ang NPC ay siya pangalawang pinakalamaking political party sa bansa.Ayon kay NPC President Rep. Giorgidi Aggabao – dumaan sa konsultasyon ang pagkakapili sa tambalang Poe at Escudero.Bago pa man ang pormal na pag-adopt kay Poe ay nakipapulong muna ang NPC sa iba pang presidential aspirant tulad nina Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Liberal Party Standard Bearer Mar roxas maliban lang kay Sen. Miriam Defensor-Santiago.Kaugnay nito – nagpasalamat naman si Poe sa pag-endorso ng NPC sa kanilang tambalan ni Escudero.Aminado ang NPC na nananatili ang posibilidad na ilipat nila ang endorsement ng kandidato sa ibang presidential bet kapag tuluyang na-disqualify si Poe dahil sa isyu ng citizenship na nakabinbin na ngayon sa korte suprema.Samantala … sinabi naman ng tagapagsalita ng Daang Matuwid Coalition Rep. Barry Gutierrez – batay sa mga tagasuporta ni Liberal Party Bet. Mar Roxas na wala silang alam sa naturang pag-endorso.Sa panig naman ng United Nationalist Alliance – sinabi ng tagapagsalita ni Binay na si Mon Ilagan – na hindi ikinababahla ng bise presidente ang pag-endorso ng NPC kina Poe at Escudero.Naniniwala naman ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi makikiisa sa endorsement ng NPC ang ilang miyembro nito dahil ilan sa mga ito ay nagdeklara na ng pagsuporta sa alkalde.
Tambalang Sen. Grace Poe At Sen. Chiz Escudero – Pormal Nang Inendorso Ng Nationalist People’S Coalition
Facebook Comments