TAMBANG | 2 marine, pinagbabaril sa Cotobato City

Cotabato City – Dalawang kasapi ng Philippine marine ang pinagbabaril kung saan isa ang patay habang isa sugatan matapos pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Sinsuat Avenue pasado ala una ng hapon kahapon sa Cotabato City.

Kinilala ang napaslang na marine na si Sgt. Ferdinand Ulang habang naisugod sa pagamutan ang kasama nitong si Sgt. Rovel Navarro na naka-base sa MBLT7.

Nagpapatuloy nagyon ang imbestigasyon kung anu at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.


Samantala,pagsapit ng alas kuwatro ng hapon ay sinundan ito ng panibagong pamamaril at dito ay tatlo ang biktima, isa ang patay habang dalawa ang sugatan na naisugod din sa pagamutan.

Facebook Comments