TAMBANG | 4 na sundalo, sugatan sa ambush sa Quezon

General Luna, Quezon – Apat na sundalo ng Philippine Army ang sugatan sa ambush ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa General Luna, Quezon.

Sakay ng truck ang mga sundalo nang madaanan nila ang isang landmine sa Barangay Bagong alas 9:00 kaninang umaga.

Matapos ang pagsabog, pinaulanan sila ng sunod-sunod na putok ng baril ng mga rebelde.


Kasalukuyang nagpapagaling sa Bondoc Peninsula District Hospital sa Cabanatuan City ang mga sugatang sundalo.

Samantala, sa parehong oras din sinalakay ng npa ang Military Detachment sa Barangay Anop, Cabanatuan City.

Facebook Comments