TAMBANG | Mga pulis, sapul sa NPA

Iloilo – Patay ang isang pulis habang labing tatlong kasahaman nito ang sugatan makaraang tambangan ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Camansi, Barangay Bolo, Maasin, Iloilo.

Kinilala ang nasawi na si PO1 Joefer Odon habang ang mga sugatang pulis ay kasalukuyang ginagamot sa Cabatuan District Hospital at Iloilo City Hospital.

Ayon kay Supt. Gilbert Gorero, spokesman ng PNP region-6, pauwi na ang mga pulis na miyembro ng regional public safety battalion sa bayan ng Maasin galing sa Barangay Dagami kung saan nila sinundo ang ibang kasamahan nang pasabugan ang mga ito ng landmine.


Agad din pinagbabaril ng mga rebelde ang sasakyan ng mga pulis kung saan nasa 37 na pasahero ang bilang ng mga ito.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ng otoridad para matunton ang mga nakatakas na rebelde.

Facebook Comments