Tamblang Lacson-Sotto, mainit na tinanggap ng mga Ilonggo sa Bayan ng Estancia

Sinalubong ng hiyawan at palakpakan ng dumating sa Plaza Estancia sa Iloilo sina independent candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kauna-unahang presidential candidate na bumisita sa Estancia Iloilo upang ilatag ang kanilang mga programa at plataporma sa mga mamamayan sa lugar.

Ayon sa Lacson-Sotto Tandem hindi sila makapaniwala sa dami ng tao at mainit na pagsalubong sa kanila ng kanyang running mate vice presidential candidate Tito Sotto na hindi inaalintana ang matinding init at nakabilad sa lugar makita lamang ang mga beteranong Senador.

Nabuhayan ng loob ang mga tricycle driver ng ipaliwanag nina Lacson-Sotto na kasama sila sa ayuda na ibinigay ng pamahalaan sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan sa bansa.


Bukod sa Estancia magkakaroon din ng Town Hall meeting mamayang hapon sa Aklan Provincial Capitol at Courtesy Call naman sa mga Gobernador ng naturang Lalawigan kung saan ay haharap sila mamayang gabi sa mga kandidato ng Reporma.

Facebook Comments