Nagsagawa ng Roadside Emission Testing ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno sa mga bumabyaheng sasakyan sa San Fabian.
Dito sinukat ang kapal ng usok na lumalabas sa tambutso ng mga motorized na sasakyan gamit ang gas analyzer at opacimeter.
Ayon sa pahayag, layuning tukuyin ng aktibidad kung mataas ang antas ng carbon monoxide (CO) at hydrocarbons (HC) na lumalabas mula sa mga diesel at gasoline na sasakyan.
Kapag lumagpas ang antas ng mga ito sa itinakdang pamantayan, nagiging banta ito sa kalusugan ng tao at nakakadagdag sa polusyon sa hangin.
Kaugnay ito ng pagdiriwang ng Clean Air Month ngayong Nobyembre at bahagi rin ng patuloy na programa ng DENR at ng mga lokal na pamahalaan na kabilang sa Northeastern Pangasinan Airshed.
Nagsilbing paalala ang testing sa mga motorista na magsagawa ng regular na maintenance sa mga sasakyan upang mapanatiling ligtas ang pagbyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









