Manila, Philippines – Tinawag ng kampo ni dating senador Bongbong Marcos desperado ang kampo ni Vice President Leni Robredo dahil sa akusasyon na tampered o napakialaman na ang ballot images na may square mark sa pangalan ni Robredo.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Bongbong Marcos ,hindi masagot ni Robredo ang kanilang matibay na ebidensya kung kayat kung anu-ano na ang hinahagilap nilang depensa.
Binigyan diin ni Rodriguez na sa tono ng akusasyon ni Robredo, gusto nitong ipakahulugan na hindi nito nirerespeto ang integridad ng Presidential Electoral Tribunal na siyang nagpalabas ng naturang mga soft copies ng mga ballot images.
Sa halip aniya na atakihin ang integridad ng Tribunal, mas makabubuti kung direktang sagutin o magpakita ng kapani paniwalang ebidensya ang kampo ni Robredo kaugnay sa kanilang expose na minanipula ang election system.