TAN-OK NI ILOCANO”, TAMPOK SA ISANG COMMEMORATIVE COIN NA INILABAS NG BSP

Tampok ang “Tan-ok ni Ilocano” festival ng Ilocos Norte sa isang commemorative coin na inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasabay ng paggunita sa ika-208 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan.

Inilabas ng BSP ang PHP5,000 silver coin na may face value na PHP100 bilang ikalawa sa kabuuang 12 festival-themed commemorative coins na planong ilunsad ngayong taon upang itampok ang kultura at pamanang Pilipino.

Ayon sa BSP, layon ng serye ng commemorative coins na palaganapin ang kamalayan ng publiko sa kulturang Pilipino at hikayatin ang interes sa papel ng bansa bilang ASEAN Chair sa 2026, gayundin sa kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Makikita sa disenyo ng Tan-ok commemorative coin ang mga elementong hango sa nagwaging 2025 Basi Festival ng bayan ng Piddig, kabilang ang 23 simbolo na kumakatawan sa mga bayan at lungsod ng Ilocos Norte.
Ayon sa Provincial Tourism Office, may 500 piraso ng commemorative coin ang ilalabas at ibebenta sa mismong araw ng Tan-ok ni Ilocano Festival sa Pebrero 28.

Facebook Comments