TANAP REGION, KUMASA SA RESPONDERS ON DISASTER CHALLENGE 2024

 

Cauayan City – Kumasa sa Responders on Disaster Challenge 2024 Elimination round ang mga barangay na sakop ng Tanap Region sa lungsod ng Cauayan kahapon ika-18 ng Hulyo.

 

Ang Tanap Region ay isa umano sa pinakamalawak at aktibong Rehiyon sa lungsod kaya’t ang labanan sa pagitan ng bawat barangay ang isa sa pinaka-inaabangan.

 

Lalo pa’t ngayong taon ay, hindi na lamang barangay officials at staffs ang maaring lumahok sa kompetisyon dahil basta’t residente sa isang barangay ay maaaring mapabilang sa walong miyembro ng bawat grupo.


 

Bagama’t kasalukuyan ang elimination round sa Barangay Category, naghahanda na para sa finals ang mga nanalo sa Inter-Agency at Volunteer Groups Category.

Facebook Comments