Tanay Rizal Bus Tragedy, 15 katao ang kumpirmadong patay

47

MANILA, PHILIPPINES – Itinanggi ng Bestlink Colleges of the Philippines na ibabagsak nila ang mga estudyante kapag hindi sila sumama sa field trip.

Ito’y kasunod nangyaring trahedya ng bus sa Tanay Rizal kahapon kung saan 15 katao ang nasawi kung saan karamihan sa mga sakay ay mga mag-aaral.

Ayon kay Secretary to the President ng naturang paaralan na si Sister Nina Basquinez – requirement ang field trip para sa National Service Training Program (NSTP) na mayroon din ang ibang eskwelahan kung saan kinakailangang sumailalim sa leadership, first aid, medical at survival training ang mga bata.

Sinabi naman ni Dr. Charlie Cariño, Vice President for Academic Affairs ng Bestlink Colleges – sasagutin ng paaralan ang mga gastusin sa punerarya ng mga namatay gayundin ang pagpapa-ospital ng mga nasugatang estudyante. 

Inaantabayanan na ngayon kung magsasampa ng reklamo ang magulang ng mga namatay na biktima.



Facebook Comments