Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-upgrade ang Tandag Airport sa Surigao del Sur para maihanay ito sa iba pang domestic airports.
Ang Tandag Airport ay isa sa dalawang domestic airports na na nag-o-operate sa Surigao del Sur, habang ang isa ay nasa Bislig City.
Sa kanyang situation briefing sa lalawigan, nais ng Pangulo na magkaroon ng runway lights sa paliparan.
Umaasa ang Pangulo na ang mga infrastructure projects sa Tandag ay humusay pa.
Sang-ayon si Transportation Secretary Arthur Tugade sa plano ng Pangulo at planong i-extend ang runway ng paliparan para mahikayat ang mga airline companies na lumipad direkta sa probinsya.
Sa ngayon, tanging mga flights lamang mula sa Cebu ang ina-accommodate ng paliparan.
Ipasisilip na ni Tugade sa kanyang technical staff kung bakit binabaha ang paliparan.