Opisyal nang inendorso ng Kalesa (Kay Leni-Sara) Movement ang kandidatura ng binuong Leni Robredo at Sara Duterte-Carpio tandem para sa pagkapresidente at bise presidente sa halalan sa Mayo.
Ayon kay Kaye Legaspi ng KALESA Movement, ang kanilang grupo ay binubuo ng iba’t ibang sektor na nagbibigkis upang makamit at magsulong ng tunay na pagkakaisa.
Naniniwala sila na ang tandem nila VP Leni at Mayor Sara ang magbubukas ng pinto para sa pagkakaisa.
Nakita umano nila si Leni na isang lider na nagpamalas ng galing at kalinga at isang lider na buo ang tapang na ang tinutukoy ay si Sara.
Ginawa nila ito dahil sa kagustuhang makamit ang totoo, tunay at positibong pagbabago.
Batid nila na hindi makakabangon ang bansa kung patuloy pa rin ang mga hidwaan.
Ang Kalesa Movement ay may higit 100,000 miyembro na karamihan ay sa Mindanao.