Tandem nina dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, nanguna sa survey ng OCTA Research Group

Nanguna ang tandem nina dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang top preference para sa pagkapresidente at bise presidente.

 

Ito ang lumabas sa resulta ng tugon ng masa survey ng OCTA Research Group na isinagawa noong Disyembre 7 hanggang 12.

 

Batay sa survey, nakakuha ng 54 percent si Marcos na sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 14 percent, Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno na may 12 percent, Senator Manny Pacquiao, 10 percent, at Senator Panfilo “Ping” Lacson na nakakuha ng 5 percent.


 

Wala pa namang isang porsyento ang nakuha nina Ernie Abella at Leody De Guzman na tumatakbo rin sa pagkapangulo.

 

Samantala, may 50 percent na nakuha si Duterte-Carpio at sinundan ni Senate President Tito Sotto na may 33 percent, Senator Kiko Pangilinan na may 9 percent, Doc. Willie Ong na may 4 percent, Deputy Speaker Lito Atienza na may 1 percent at Walden Bello na nakakuha ng 0.07 percent.

Facebook Comments