TANDEM | Terry Butcher at Scott Cooper magsasama para sa Philippine Azkals

Manila, Philippines – Pormal nang pinangalanan ang bagong coach ng Philippine Azkals na si Terry Butcher.

Si Butcher, na dating defender ng England, ang mangunguna sa Azkals na sasabak sa 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates.

Ayon kay Dan Palami, team manager ng Azklas, kailangan nila ang malawak na karanasan, liderato at kaalaman sa International Football ni Butcher na akma sa pangangailangan ng Men’s National Football Team.


At hindi lamang si Butcher ang ipinakilala ni Azkals team manager Dan Palami.

Inihayag din ni Palami ang pagtatatalaga kay Scott Cooper bilang senior football adviser ng koponan.

Naniniwala si Palami na ang “familiarity with Asian and Asean football” ni Cooper ay malaki ang maitutulong sa karanasan naman ni Butcher.

Dagdag pa ni Palami, magandang tandem para sa Azkals ang pagsasama ni Butcher at Cooper.

Pinalitan ni Butcher ang dating coach na si Thomas Dooley.

Facebook Comments