TANGGAL BULOK, TANGGAL USOK | Halos 1,500 sasakyan, natiketan

Manila, Philippines – Umabot na sa halos 1, 500 ang mga sasakyang natiketan sa ilalim ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ng Inter-Agency Council On Traffic (I-ACT).

Bukod sa mga naisyuhan ng citation ticket, nasa 297 din ang na-subpoena.

Aabot naman sa 107 na mga Public Utility Vehicles ang na-impound dahil sa smoke belching at kawalan ng prangkisa.


Samantala, umabot naman sa 23,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng I-ACT dahil sa epekto ng Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok.

Enero 8 nang simulan ng I-ACT ang naturang kampanya.

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa 4th avenue, caloocan city.

Dalawang putok ng baril ang narinig sa lugar kung saan nakahambalang sa kalsada ang itim na Honda City Sedan na may plakang DQ 6324.

Isang basyo naman ng bala ng baril ang natagpuan sa crime scene.

Sa ngayon, blanko pa ang mga otoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin lalo’t wala umanong nakasaksi sa krimen.

Facebook Comments