Manila, Philippines – Nasa 121 na public utility vehicle na ang nasita ng Interagency Council for Traffic o I-ACT kaugnay sa kampanya na oplan tanggal bulok ,tanggal usok
Ayon kay Elmer Argano ng I-ACT, tatlumpu’t walo ang sinita dahil sa depektibo ng ilaw, apatnapu’t siyam naman ang hinuli dahil sa samu’t saring paglabag tulad ng pudpod na gulong, sirang hand break, at walang seat belt.
Tatlumpu’t dalawa naman ang ipapatawag sa opisina ng LTO dahil nagbubuga ng maitim na usok.
Tatlo naman ang na-impound.
Isang drayber ng smoke belcher na jeep ang nadiskubreng nagmamaneho ng walang lisensya.
Dahil dito, susupindihin ng LTO ang kanyang driver’s license at pagmumultahin.
Ang mga pasahero naman na napilitang bumaba ng mga jeep ay tinulungan rin ng LTO enforcers na makasakay sa ibang PUVs na dumadaan sa Quezon Avenue.
Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng i-ACT at ginagawa rin ito sa ilan pang major roads sa Quezon City, Maynila at Antipolo.