TANGGAL BULOK, TANGGAL USOK | I-ACT, pinasadahan ang Sta. Rosa, Laguna

Sta. Rosa, Laguna – Nabulaga ang ilang pampasaherong jeepney sa isinagawang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ng Inter-Agency Council On Traffic (I-ACT) sa Sta. Rosa, Laguna.

Ininspeksyon ang mga pampasaherong jeep at iba pang pampublikong sasakyan na bumibiyahe kung saan kabilang sa mga nasita ang mga nagbubuga ng maitim na usok.

Maging ang mga motorcycle rider ay hindi sumusunod sa batas trapiko gaya ng simpleng pagsusuot ng helmet ay hindi rin nakaligtas.


Nagtalaga naman ang I-ACT ng mga bus at military trucks para magbigay ng libreng sakay, bilang tulong naman sa mga pasaherong naapektuhan ng operasyon.

Facebook Comments