TANGGAL BULOK, TANGGAL USOK | Ilang pampasaherong jeep, nasampolan ng I-ACT

57

Manila, Philippines – Ilang pampasaherong jeep ang nasampolan sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” Campaign ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa Sta. Rosa, Laguna.
Pinakamarami sa mga sitang jeep ay dahil sa pagbubuga ng maitim na usok.
Hindi rin nakaligtas ang mga motorsiklo na hindi sumusunod sa batas trapiko gaya ng pagsusuot ng helmet.
Nag-deploy naman ang I-ACT ng mga bus at military trucks na nagbigay ng libreng sakay sa mga pasaherong naapektuhan ng operasyon.

Facebook Comments