TANGGAL SA PWESTO | Mga pulis na umano ay nang-iwan sa mga tauhan ng PDEA sa kasagsagan ng ambush sa Lanao del Sur, sinibak na ni PNP Chief

Manila, Philippines – Sinibak na ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na umano’y nang-iwan sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kasagsagan ng ambush sa Lanao del Sur noong Biyernes.

Ayon kay ARMM Police Regional Office Dir. Graciano Mijares – nasa kustodiya na ng kanilang tanggapan ang limang pulis at isinasailalim na sa imbestigasyon.

Una rito, naglabas ng sama ng loob si PDEA Director General Aaron Aquino sa pag-abandona ng mga pulis sa mga tinambangang PDEA agent kaya sila nasawi.


Samantala, iniimbestigahan na rin ng PNP ang posibilidad na isang kilalang drug lord at pulitiko sa lugar ang nasa likod ng ambush.

Facebook Comments