Manila, Philippines – Inihayag ng militanteng Federation of Free Workers (FFW) na tanggap nila ang pagkakapasa ng Bangsamoro Organic Law o BOL.
Ayon kay Federation of Free Worker President Atty. Sonny Matula, na umaasa ang kanilang grupo na malulutas ng nasabing organic law ang problema sa Moro Separatists at matitigil na rin ang giyera sa Mindanao sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan.
Pinapurihan din ng FFW ang Probisyon patungkol sa karapatan ng mga manggagawa na makapagsagawa ng union, collective bargaining negotiation at mapayapang pagkilos.
Sa kabila nito ay ikinalungkot naman ng FFW ang pagkakatanggal sa probisyon patungkol sa anti-dynasty welcomes signing of BOL
Mainit din ang pagtanggap ng federation sa talumpati ng bagong House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi isusulong ang no-el o no elections sa ilalim ng kanyang pamumuno.