TANGGAP NA | Cacai Bautista, naka-move on na raw sa panlalait ng mga bashers

Manila, Philippines – Proud na sinabi ng singer-comedienne na si Cacai Bautista na hindi na siya affected sa mga panlalait ng iba sa pisikal niyang katangian.

Say ni Cacai, alam at tanggap niyang “hindi siya maganda sa paningin at standards ng iba, ng mundong obsessed sa beauty at being beautiful.”

Wala na raw siyang balak na makinig sa sinasabi ng iba dahil tapos na ang mga taon na kinaawaan niya ang kanyang sarili dahil sa kanilang panlalait.


Dagdag pa niya, nakita na niya ang kagandahang mayroon siya at wala nang makakaagaw non sa kanya at iyon ay ang pagtanggap sa kung sino at ano siya at kung anuman ang tingin sa kanya ng iba.

Facebook Comments