TANGGAP NA | Customs Intelligence Officer Jimmy Guban, pasok na sa witness protection program

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tanggap na sa witness protection program ng DOJ si Customs intelligence officer Jimmy Guban.

Gayunman, tumangi si Guevarra na ihayag kung saang safehouse ililipat si Guban at ang kanyang pamilya.

Una nang nagkasundo sina Guevarra at Senador Richard Gordon na isailalim sa witness protection program si Guban.


Si Guban kasi ang isa sa gagawing testigo ng gobyerno sa 6.8-billion shabu shipment na inilagay sa magnetic lifters.

Facebook Comments