TANGGAP NA | Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, naka-move on na

Manila, Philippines – Tanggap na ni dating house speaker Pantaleon Alvarez na hindi na siya ang lider ng Kamara.

Ito ay kasunod ng pagkakahirang kay Pampanga Representative Gloria Arroyo bilang bagong House Speaker.

Sa statement na inilabas ni Alvarez, umapela si Alvarez sa kaniyang mga kasamang mambabatas na alang-alang sa bayan ay magbalik na sila sa trabaho at magmove on na.


Aniya, hindi na mababalik ang nakaraan pero may magagawa pa para ayusin ang kinabukasan.

Facebook Comments