TANGGAP | Sinibak na pinuno ng OGCC, tanggap ang desisyon ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tanggap ni Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) Head, Atty. Rudolf Philip Jurado ang pagsibak sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Jurado na bilang appointee, siya ay nagsisilbi sang-ayon sa kagustuhan ng Pangulo.

Ayon pa kay Jurado, ikinararangal niya na nabigyan siya ng pagkakataon para magsilbi sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.


Si Jurado ay sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa pagpapalabas ng legal opinion na nagsasabing maaring magkaloob ng gaming franchise ang Aurora Pacific Economic Zone (APECO) kahit sa labas ng hurisdiksyon nito.

Facebook Comments