Dumagsa sa Bureau of Quarantine ang mga bibiyahe abroad para sa kumuha ng International Certificate of Vaccination kontra Polio.
Nabatid na aabot sa 19 na bansa sa mundo ang humihingi sertipikasyon sa mga bumibisita na nabakunahan sila kontra Polio bago silang maglabas ng Entry Visa.
Ayon kay Quarantine Medical Officer-3, Dr. Michael Sherwin Evangelista, naglatag na sila ng Contingency Plan upang maserbisyuhan ang mga nangangailangan at dokumento gaya na lamang ng pagdadagdag ng personnel at pag-extend ng kanilang operating hours.
Pagtitiyak nila ay nagbibigay sila ng konsiderasyon sa mga kinakailangang umalis ng bansa.
Paalala ng kawanihan, magbaon ng pasensya para makumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang iwas abala at gastos sa pagbabakuna sa mga bansang pupuntahan.