Isinagawa ngayong araw na ito ang mobile vaccination sa lungsod ng Cauayan para sa ating mga kababayan na mula labing dalawang taon gulang pataas, ganundin sa mga hindi pa nakakapagpabakuna ng first dose, 2nd dose at booster.
Ang grupo ng mga taga City Health office ay nagpapalipat lipat din sa mga matataong lugar nang sa ganun ay mapuntahan ang ating mga kababayan na gustong magpabakuna.
Bukas din sila sa mga hindi taga Cauayan na gustong magpabakuna.
Narito ang tinig ni Binibining Vianney Uy, isang Nurse ng City Health Office ng Cauayan.
Samantala tumanggap din kanina ng kanyang booster shot si ginang Elena Ordonez, limampot limang taong gulang na nakatira sa Villarta Street District 1, Cauayan City. Ayon sa ginang, mabuti naman ang dulot ng vaccination sa kanya dahil hindi siya nagkakasakit pati ang kanyang boong pamilya mula noong silay nabakuhan ng gamot kontra covid 19.
Facebook Comments