TANGGAPAN NG COMELEC AT BIR MAPANDAN, DADAAN SA TEMPORARY CLOSURE DAHIL SA COVID19 INFECTIONS

Isinailalim naman sa temporary closure ang tanggapan ng COMELEC at BIR sa bayan ng Mapandan upang idaan naman sa massive disinfection ang mga nabanggit na tanggapan dahil sa nakapagtala ang tanggapan ng isang empleyado ang nagpositibo sa COVID19.

Inilabas naman ng pamahalaang lokal na pirmado ng alkalde ang EXECUTIVE ORDER NO. 23, Series of 2021, ito ay upang bigyang daan ang contact tracing dahil sa nagpositibo ang isang empleyado ng COMELEC sa Antigen Rapid Test.

Ang pagsasailalim sa mga tanggapan ay upang maiwasan ang pagkalat pa virus at pagkahawaan sa iba pang tao.


Magpapatuloy naman ang regular office hour sa August 25, Miyerkules dahil sa kailangang sumailalim sa self-isolation ang mga empleyado.

Facebook Comments