Tanggapan ng DOJ, sinugod ng mga militanteng grupo upang ipanawagan ang pagpapalaya sa mga umano’y biktima ng political persecution

Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang miyembro ng mga militanteng grupo upang ipanawagan ang pagpapalaya sa mga political prisoner.

Bahagi ito ng tinaguriang Lagablab Caravan upang ipanawagan ang iba’t ibang hinaing sa pamahalaan.

Kaugnay nito, ngayong hapon ay nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang grupo upang maghain ng demand letter.


Nakasaad sa sulat ang apela ng isa sa inaresto sa tinaguriang ‘bloody Sunday’ noong March 2021 kung saan makailang beses na umanong ipinagpaliban ang pagdinig.

Hinihiling ng mga ito na maglagay na ang DOJ ng prosecutor sa Cabuyao upang hindi na maantala ang pagdinig sa mga kaso kabilang na ang isinampa laban sa tatlong inaresto na miyembro ng militanteng grupo.

Facebook Comments