Tanggapan ng house speaker, hindi totoo na syang nagpapalabas ng ayuda mula sa mga programa ng gobyerno

Pinabulaanan ni Baguio City Representative Mark Go ang pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang tanggapan ng house speaker ang naglalabas ng ayuda mula sa mga programa ng gobyerno.

Halimbawa nito ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program, Assistance to Individuals in Crisis Situation at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers gamit umano ang “7-7-7 Ayuda System”.

Sa alegasyon ni Magalong ay 7-milyong piso kada programa ang ibinibigay sa mga kongresista na sumasama sa mga sorties ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Pero giit ni Representative Go, ang pondo para sa nabanggit na mga programa ay hindi nakatali sa sinuman o alinmang opisina dahil yun ay direktang ibinibigay sa mga kwalipikadong benepisaryo.

Bunsod nito ay umaapela si Go kay Mayor Magaling na huwag pulitikahin ang mga programa ng pamahalaan na nagbibigay tulong sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.

Paliwanag pa ni Go, ang AKAP, AICS, at TUPAD ay pawang programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. At may nakalatag na proseso at mekanismo para mabantayang mabuti ang pondo nito.

Facebook Comments