Inihayag ng pamunuan ng Ombudsman na simula sa araw ng Biyernes Agosto 6 hanggang 20 ay sarado ang lahat ng kanilang tanggapan sa Quezon City.
Ito ay bilang tugon sa pagsunod sa deklarasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 na pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Sa abisong inilabas ng Ombudsman, naka work from home arrangement ang mga itinalagang empleyado.
Dahil dito ay maaari lamang mag-file sa pamamagitan ng online ang sinumang aplikante para sa mga clearance.
Ayon sa Ombudsman, sa Sepember 1 na tatanggap ang ahensiya ng mga ihahaing mosyon, pleadings, affidavit at iba pang kahalintulad na dokumento.
Facebook Comments