Tanggapan ng Pangalawang Pangulo nagbigay ng libreng sakay sa mga Health workers na dumadaan sa Marcos Highway

Nagbigay ng libreng 2 Shuttle Service ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo para sa mga Health workers at Medical Professionals na dumadaan sa Marcos Highway sa tapat ng LRT-Santolan Pasig City.

Ang dalawang bus ay may lulan na 2 Medical Staff na naka hazmat suits at nag-a-assist sa mga Health worker na papasok sa trabaho,kung saan ay inakailangan lamang ng mga mag-a-avail ng libreng sakay na magpakita ng ID na nagpapatunay na sila ay mga Health Workers.

Pagkatapos nito, isasailalim sila sa temperature check at idi-disinfect ang kamay.


Ipinatutupad naman ang Social Distancing sa loob ng mga Shuttle at magkakalayo ang mga pasahero.

Kabilang sa mga dadaanan ng mga Shuttle ang Research Institute for Tropical Medicine sa Alabang, Jose Reyes Memorial Medical Center, Philippine General Hospital, UST Hospital, Philippine Orthopedic Center, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, East Avenue Medical Center, at iba pang mga ospital.

Maliban sa 2 Shuttle sa Marcos Highway, mayroon pang ibang bus na nakakalat sa iba’t ibang ruta.

Facebook Comments