Tanggapan ng SEC sa PICC, sarado ngayong araw

Manila, Philippines – Sarado ang Securities and Exchange Commission Head Office ngayong araw, November 8 hanggang sa Biyernes November 10 sa Philippine International Convention Center o PICC sa Pasay City.

Ito ay upang bigyan daan ang ginagawang paghahanda ng gobyerno sa 31st ASEAN Summit and Related Summits na nakatakda sa November 13, 14, at 15, 2017, iba’t ibang mga aktibidad na gaganapin sa PICC.

Samantala, ang SEC Services ay maaari naman ma-avail sa lahat ng SEC Satellite Offices, sa SM North EDSA, Ali Mall Cubao, Robinson’s Galleria Ortigas, SM City Manila, at SEC Satellite Office sa Muntinlupa City Hall.


Una rito idineklara ng Office of the President, sa pamamagitan ng Proclamation No. 332 dated October 23, 2017, na nagdedeklara na ang November 13, 14 at 15 2017, bilang Special Non-working Days sa National Capital Region, lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Facebook Comments