Tanggapang titiyak sa pagsasakatuparan ng investment pledges, itinatag sa pamamagitan ng inaprubahang EO ni PBBM

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isang Executive Order No. 49 na nagtatag ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs sa ilalim ng Office of the President.

Batay sa EO, ang itinatag na tanggapan ay tutulong sa pangulo sa pagbibigay ng mga napapanahong at mahahalagang mga estratehiya sa ekonomiya at isyu gaya ng inflation, food security, at pagtaas ng mga bilihin.

Titiyakin din ng itinatag na opisina ang pagsasakatuparan ng investment pledges na nalilikom ng Marcos Administration.


Ang Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs ay pamumunuan ni Presidential Adviser on investment and Economic affairs Frederick Go na magkakaroon ng posisyong secretary.

Nakapaloob din sa EO ang pagbuo ng economic development group na ang mamumuno ay ang investment and economic affairs secretary at mg kalihim ng NEDA at Department of Finance bilang vice chairperson.

Facebook Comments