Tangkang pag-take over sa homeowners association sa Parañaque City, naudlot

Hindi natuloy ang ikatlong tangkang pag-take over ng mga dating nakaupong opisyal sa Multinational Village Homeowners Association, Inc.

Ito’y matapos pumalag ang mga kasalukuyang nakaupo sa pangunguna ng presidente ng asosasyon na si Julio Templonuevo.

Ayon kay Templonuevo, nais ng kampo ng dating presidente na si Arnel Gacutan na bumalik at muling maupo kasama ang ibang borad of directors base sa kautusan ni Atty. Norman Doral ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) – NCR.


Pero giit ni Templonuevo, naglabas na ng desisyon ang Court of Appeals (CA) kung saan ang kampo nila ang kinikilala na mamuno sa nasabing homeowners kung saan labas na umano dito ang DHSUD-NCR.

Hiling ng kasalukuyang nakaupo na respetuhin sana ng grupo ni Gacutan at DHSUD-NCR ang desisyon ng CA para sa kapakanan ng nasa 2,400 miyembro ng homeowners.

Muli rin nilang ipinapaliwanag na ang buong kampo ni Gacutan ay napatawan na ng perpetual disqualification kaya’t wala na itong karapatan pa na tumakbo habang pabor naman sina Templonuevo na magkasa ng eleksyon ang mismong DHSUD-NCR para sa ikakatahimik ng lahat.

Facebook Comments