Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa umano’y napaulat na tangkang pagdukot sa isang Grade 3 pupil sa harapan ng Tayug South Central Elementary School, Tayug Pangasinan.
Ayon sa administrasyon ng paaralan, kasalukuyan silang nakikipagtulungan sa pulisya at iba pang kinauukulan upang masusing suriin ang insidente. Bagaman hindi pa kumpirmado ang lahat ng detalye, ipinagpatuloy ng paaralan ang mahigpit na seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Muling nanawagan ang pamunuan ng paaralan sa mga magulang na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa pagpapanatili ng kaligtasan sa loob at labas ng paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments