Tangkang pagpapasabog sa isang barangay sa Sharif Aguak, Maguindanao, napigilan ng mga sundalo

Napigilan ng mga tauhan ng Philippine Army ang tangkang pagpapasabog sa Barangay Satan, Sharif Aguak, Maguindanao makaraang marekober at mapigilan ang pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) kahapon ng umaga.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., inalerto ng isang concerned citizen ang 1st Mechanized Infantry Battalion matapos makakita ng IED sa kanilang barangay.

Agad namang na-cordon ng tropa ang area, at mabilis na pinigil ng 32nd Explosive Ordnance Disposal Team ang pagsabog ng IED.


Ayon naman kay Lt. Col. Cresencio Sanchez, Commanding Officer ng 1 Mechanize Batallion, ang IED ay gawa sa 81mm mortar round at dalawang RPG Projectiles na may “radio-controlled detonator”.

Pinuri naman ni Col. Ferdinand Lacadin, Acting Commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade at Maj. Gen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central, ang mabilis na aksyon ng tropa.

Batay sa datos ng militar, Mula Enero 1 ng taong ito, 15 pampasabog ang narekober ng militar, kung saan pito ay sa Sulu, isa sa ZamPeLan area, at pito sa Central Mindanao.

Facebook Comments